top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wanted na holdaper, tiklo sa hideout

BULGAR
Jan 14, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 14, 2023


SORSOGON—Isang wanted na holdaper ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Cumadcad, Castilla.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jason Camacho, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong robbery.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ni Camacho, kaya agad rumpesponde ang pulisya at dito dinakip ang suspek.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page