top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Wanted na holdaper nasakote

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 6, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 6, 2023


LAGUNA – Isang wanted na holdaper ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa San Pedro City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Denver Rejada, pansamantalang nakatira sa naturang lungsod.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte tungkol sa kinasangkutan nitong kasong robbery.


Napag-alaman na may nag-tip sa pinagtataguan ni Rejada kaya agad sinalakay ito ng ng pulisya at dito dinakip ang suspek.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page