Wanted na holdaper, nasakote

@Balitang Probinsiya | February 24, 2021
QUIRINO—Isang wanted na holdaper ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Diffun.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Elvis Emperador, tubong San Quintin, Pangasinan.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong robbery.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ni Emperador kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek, na nakumpiskahan pa ng baril at mga bala.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya, na bukod sa kasong robbery, nahaharap na rin ito sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments