top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Wanted na holdaper, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 31, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 31, 2021



ALBAY--Isang wanted na holdaper ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Rawis, Legazpi City.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Michael Avila, 22-anyos, at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong robbery sa lalawigan.


Ayon sa ulat, nakita ng nagpapatruyang pulisya si Avila na nakatayo sa labas ng kanyang hideout kaya agad itong dinakip.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page