Wanted na fish vendor nasakote
@Balitang Probinsiya | March 24, 2023
CAPIZ—Isang wanted na fish vendor ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Tiza, Roxas City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Joemari Lozano, 36, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad si Lozano sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong frustrated murder.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad nang dakpin siya sa nasabing lugar.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments