Wanted na ex-councilor, nasakote
@Balitang Probinsiya | May 28, 2021
NORTH COTABATO—Isang wanted na dating konsehal ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Esperanza, Tulunan.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si ex-Councilor Reynaldo Yata, residente ng nabanggit na bayan.
Napag-alamang inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.
Kusa namang sumama at hindi nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.
Nakapiit na si Yata sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments