top of page
Gary V. - IG.jpg

Wanted na ex-cop, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 13, 2023


ISABELA -- Isang wanted na dating pulis ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Quezon sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si former policeman Jay Pagulayan, nakatira sa naturang bayan.


Nabatid na hinuli ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong estafa sa lalawigan.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page