top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Wanted na ex-cop, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 15, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 15, 2023


CAGAYAN -- Isang wanted na dating pulis ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Nuevo, Tuguegarao City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan nila ito.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong slander.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ng suspek kaya rumesponde ang mga ito at dinakip ang wanted na ex-cop.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page