Wanted na estapador, nasakote
- BULGAR
- May 27, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 27, 2023
ZAMBALES—Isang most wanted na estapador ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Palangiinan, Iba sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala na si Raedag Villamin, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong estafa sa lalawigan.
Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang ito natiyempuhang dakpin.
Kusang sumama naman ang suspek sa pulisya nang dakpin siya sa nasabing barangay.



Comments