Wanted na empleyado nasakote
@Balitang Probinsiya | November 26, 2022
SORSOGON—Isang wanted na empleyado ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Villareal, Gubat.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Erwin Falcotero, 24-anyos at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinahaharap nitong kasong child abuse.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments