Wanted na driver, timbog
- BULGAR
- Aug 22, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 22, 2023
ALBAY -- Isang wanted na driver ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Hornapon, Legazpi City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injury and damage to property.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad sa kinaroroonan ng suspek kaya rumesponde ang mga ito at nadakip ang wanted na driver.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments