Wanted na construction worker natiklo
@Balitang Probinsiya | Pebrero 19, 2023
SORSOGON—Isang wanted na construction worker ang naaresto mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Bulala, Magallanes sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Juanesto Estolas, 58, pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong Acts of Lasciviousness.
Nabatid na nakita ng mga tauhan ng pulisya si Estolas na naglalakad sa nasabing barangay kaya agad itong dinakip ng mga awtoridad.
Kusang sumama naman sa mga awtoridad ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments