top of page
Search

Wanted na carnapper, arestado

BULGAR

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 22, 2024


NUEVA ECIJA -- Isang wanted na carnapper ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. San Gregorio, Santa Rosa sa lalawigang ito.

 

Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jennier Ebuna, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay. 

 

Ayon sa ulat, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping.

 

Nabatid na matagal nang pinaghananap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang itong natiyempuhan at nadakip.

 

Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga otoridad at sa ngayon ay nakapiit sa detention cell ng himpilan ng pulisya. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page