Wanted na bebot, arestado sa police station
@Balitang Probinsiya | July 18, 2023
PALAWAN -- Isang babaeng most wanted ang nadakip ng pulisya kamakalawa habang kumukuha ng Police Clearance sa Puerto Princesa City Police Station sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Michelle Gardoce, 35, residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, kumuha ng Police Clearance si Gardoce sa police station at dito ay nakita ng mga awtoridad na base sa record ay may warrant of arrest ito sa kasong human trafficking.
Agad na dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nakapiit na ngayon si Gardoce sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments