Wanted na barangay tanod, nasakote
@Balitang Probinsiya | December 04, 2021
SORSOGON—Isang most wanted na barangay tanod ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Trece Martirez, Casiguran.
Kinilala ng pulisya ang suspek si Edwin Hitosis, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong double murder sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Hitosis kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang supek.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments