Wanted na bagets, nasakote
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 18, 2024
BENGUET -- Isang wanted na 18-anyos na binata ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Bitag, La Trinidad sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng mga otoridad ang suspek, nasa hustong gulang, habang iniimbestigahan nila ito.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Nueva Ecija.
Nabatid na nakita ng mga operatiba ang suspek sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments