Wanted, arestado sa hideout
@Balitang Probinsiya | November 26, 2021
ZAMBALES—Inaresto ng pulisya ang isang wanted na rapist kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Castillejos.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Lemuel Canillo, 39-anyos at pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong panggagahasa sa lalawigan.
Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang operatiba ang suspek sa nasabing lugar kaya agad itong dinakip.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments