top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Walang putol-kuryente hanggang Disyembre 2020 — ERC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 14, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | October 14, 2020




Pinaplano na ng Energy Regulatory Commission (ERC) na palawigin ang no disconnection policy hanggang matapos ang taong 2020 upang makatulong sa mga konsyumer na patuloy na nakikipagsapalaran sa panahon ng pandemya.


Sa Senate hearing ng ERC ngayong Martes para sa kanilang proposed budget sa 2021,

tinanong ni Senator Risa Hontiveros kung maaaring palawigin ang pagbibigay ng

disconnection notice mula October 31 hanggang December 31.


Sinagot naman ito ni ERC Chairperson at CEO Agnes Devanadera at sinabing “'Yan po ang nakalagay sa aming draft ngayon. Sinusundan din po namin ang spirit, not just the letter of the laws."


Dagdag pa ni Devanadera, hangad ng ERC na ikonsidera ang kalagayan ng mga konsyumer lalo na sa panahon ng pandemya. Ngunit, sinabi rin ni Devanadera na kung may kakayahan namang magbayad ay magbayad na.


Aniya, “Kakambal po nito ang panawagan na doon naman sa kayang magbayad at mayroon pang mga pambayad—nakapagpadala na siguro ang kanilang mga anak, nakapagbigay naman na ng budget—ay magbayad na."


Nangako naman si Devanadera na patuloy itong makikipagtulungan sa Energy Committee upang ito ay maipatupad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page