top of page
WINNER - KIM, KINASUHAN NA ANG ATE LAKAM NG QUALIFIED THEFTIG _chinitaprincess.jpg

Walang nationwide gun ban sa SONA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 26
1 min read

ni Jeff Tumbado @News | July 26, 2026



Gasoline fuel - frp

Photo: File / HOR



Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na walang ipatutupad na nationwide gun ban sa Lunes, Hulyo 27, kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Sa pahayag nitong Sabado, sinabi ng PNP na wala itong inilabas na direktiba na magpapataw ng nationwide gun ban para sa naturang okasyon. Gayunman, mananatiling ipatutupad ang umiiral na mga batas, lokal na ordinansa, at mga itinakdang security protocol.


Bilang bahagi ng seguridad para sa SONA, mahigpit na ipatutupad ng mga pulis ang pagbabawal sa pagdadala ng baril at iba pang nakamamatay na armas sa mga itinakdang security area at iba pang lugar kung saan may umiiral na mga restriksyon.


Ang paglilinaw ng PNP ay kasunod ng naunang anunsyo ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na pansamantalang isasailalim sa suspensyon ang lahat ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) sa Lunes bilang bahagi ng seguridad para sa SONA.


Nauna nang inihayag ng PNP na mahigit 21,000 na mga law enforcer ang ipakakalat upang tiyakin ang seguridad sa SONA.


Sinabi rin ng PNP na wala itong namo-monitor na anumang banta kaugnay ng taunang ulat ng Pangulo sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page