Waiter, arestado sa shabu
@Balitang Probinsiya | November 19, 2023
AKLAN -- Isang waiter ang inaresto ng mga otoridad nang makumpiskahan ng umano’y shabu kamakalawa sa Brgy. Estancia, Kalibo sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Kennet Dela, 26, at residente ng Brgy. Baybay, Roxas City, Capiz.
Nabatid na nagsagawa ng drug-bust operation ang mga otoridad sa nasabing barangay kaya naaresto ang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang pulisya ng 16 pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Napag-alaman na nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments