'Wag daw sanang ma-filter ang sinabi niya…
- BULGAR

- Aug 4, 2020
- 2 min read
CONGW. VILMA, NANAWAGAN KAY P-DIGONG PARA SA MGA FRONTLINERS
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 4, 2020

Balik-MECQ (Modified Enhanced Community Quarantine) ang buong Metro Manila. Tinugon ng pamahalaan ang panawagan ng grupo ng mga doktor at iba pang frontliners sa bansa.
Isa rin ang Star for All Seasons na si Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto among our local officials na nanawagan sa pamahaalan via her socmed account na pakinggan ang pakiusap ng ating mga frontliners.
"Mr. President: Hear the frontline stories firsthand and without filter," caption ng ini-repost niya sa kanyang Facebook page last Sunday na official statement ng kanyang mister na si Senador Ralph Recto.
Ilang oras pagkatapos ay si Rep. Vilma naman ang nag-post ng kanyang opisyal na panawagan na dinggin ng pamahalaan ang hinaing ng mga doktor.
Ang kanyang official statement ay nilagyan niya ng ganitong titulo, "Napakalakas ng Inyong Panawagan."
"The tipping point has been reached. We should not turn deaf ear to your repeated calls for reassessment of our national policies and programs in fighting this pandemic," panimula ni Rep. Vi.
Naniniwala siyang hindi titigil ang mga doktor sa pagbibigay-serbisyo sa mga kababayan nating maysakit hangga't 'di sila gumagaling lahat.
“Nakikiusap po ako sa ating pamahalaan na pakinggan ang mga hinaing ng ating medical community," pakiusap pa ng kongresista.
Kinilala at pinasalamatan din ni Rep. Vilma sa kanyang statement ang hirap at sakripisyo ng mga doktor, unlike 'yung ibang politician na tila nakukulangan pa sa ginagawang serbisyo ng mga frontliners.
"We cannot turn a blind eye to your hard work and sacrifices, and all the never-ending risks your profession takes."
At kesa kutyain, sinaluduhan ni Rep. Vilma ang mga doktor.
"I SALUTE all of you and shall always be supportive of all efforts to address your concerns for you deserve nothing less. I cannot in conscience allow our country's last line of defense to fall," paniniyak pa niya.
Umani ng papuri si Rep. Vilma sa mga netizens sa pinakawalan niyang mga pahayag.
Sey ng isa, "Iba talaga ang lingkod bayan na may talino at puso gaya ni Cong Vi. Tunay ang malasakit sa lahat. Bravo."
Ang ilang netizens naman ay kumbinsido na pasado si Rep. Vilma na kundi man maging top leader ay maging isa sa mga pinakamatataas na lider ng bansa.
"A beautiful heart and smart decisions… puwedeng mamuno ng bansa 'pag pinagsama ang talino at kabutihan ng puso. Salute you, Congw. Vilma."
Puwede!





Comments