Vintage bomb, natagpuan

Updated: Jan 9, 2021
@Balitang Probinsiya | January 5, 2021
NUEVA ECIJA—Isang vintage bomb ang natagpuan kamakalawa sa bakanteng lote sa Bgy. Luna, Sta. Rosa.
Ang mga bomba ay natagpuan ng basurero sa nabanggit na lugar.
Napag-alamang nagbubungkal ng lupa sa bakanteng lote nang matagpuan ng basurero ang bomba at agad niya itong ini-report sa mga awtoridad.
Napag-alamang ang bombang natagpuan ay vintage bomb na ginamit noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Nasa pag-iingat na ng Explosive and Ordnance Division Team ang mga natapuang bomba.



Comments