top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Vina Morales, natangayan ng cellphone sa EDSA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 3, 2020
  • 1 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 3, 2020




Nag-post ang aktres na si Vina Morales sa kanyang Instagram account kung saan inanunsiyo nito na natangayan siya ng cellphone sa EDSA.


Aniya, “Ngayon ko lang po naranasan ito. May nag-snatch ng phone ko sa loob ng kotse ko habang gamit ko. Naiwan ko pong bukas ang windoe habang nasa EDSA, tapat po ng Phoenix gasoline station.

“Meron pong CCTV ang gasoline station.

“Reaction ko po ay hinabol ko. Meron po akong nakita na tao, sabi may alam po siya. Biglang may mga pulis na dumating at tinangay ‘yung tao…

“Nakausap ko po si Lt. Alvin Bagay at pinapunta po ako sa presinto para mag-report. Sabi ko ‘‘Wag na lang po kasi po may COVID-19.

“Telepono lang naman ‘yun pero nalulungkot ako kasi bakit may mga ganu’ng tao.”

Nagpasalamat din ang aktres sa mga tumulong sa kanya at aniya pa, “Itong message ko, just letting you know na mag-ingat po tayo. Bahala na lang po ang Diyos sa kanya.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page