Vendor na tulak, tiklo sa buy-bust
- BULGAR
- Oct 29, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Oct 29, 2021
ALBAY—Isang vendor na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Taysan, Legazpi City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jasser Samporno, 31-anyos at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng illegal drugs ng suspek ay agad itong inaresto sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments