Vendor na pusher, nasakote
- BULGAR
- Sep 1, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 1, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang vendor na drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Rizal, Silay City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Benny Pepito, 39 at residente ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nadakip si Pepito sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar matapos na pagbentahan ng umano’y shabu ng suspek ang mga awtoridad na nagpanggap na buyer.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 20 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments