top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Vendor at ginang, tiklo sa drug-bust

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | March 13, 2021



NUEVA ECIJA—Arestado ang isang vendor at isang ginang sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Mabini, Cabanatuan City.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Bansan Ampuan, 30-anyos, residente ng Balagtas, Bulacan at Nenita Taeza, 47-anyos, tubong Nueva Ecija.


Ayon sa ulat, naaresto ang dalawang suspek nang maglunsad ng drug-bust operation sa nasabing lugar.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga operatiba ng mahigit 100 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng dalawang suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page