top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Vendor arestado sa shabu

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 24, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 24, 2023


SORSOGON — Isang vendor na drug pusher ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Armenia, Uson sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Chandie Trangi, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nadakip si Trangi sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa loob ng bahay ng suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 20 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page