Search
  • BULGAR

Vendor, arestado sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | March 8, 2021



NUEVA ECIJA—Isang vendor ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Sta. Arcadia, Cabanatuan City.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Severino Lopez, 40-anyos, fish vendor at residente sa nabanggit na barangay.


Nabatid na naaresto si Lopez sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lugar.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 10 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na si Lopez na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.