top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Utol, tinodas ng kuya

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 23, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 23, 2021


CAPIZ—Isang 33-anyos na lalaki ang namatay nang tagain ng kanyang nakakatandang kapatid kamakalawa sa Bgy. Manoling, President Roxas.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga taga sa katawan na si Arden Placer, samantalang ang suspek ay ang kuya nitong si Hardy, 41-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na humantong sa suntukan hanggang sa pagtatagain ng suspek ang biktima.


Matapos ang pananaga ay nagtangka pang tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page