top of page

Unang shipment ng COVID-19 antiviral pill na molnupiravir, dumating na sa bansa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 19, 2021
  • 1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | November 19, 2021



Dumating na sa bansa ang unang shipment ng COVID-19 antiviral pill ng Merck na Molnupiravir nitong Miyerkules ng gabi, sa pamamagitan ng partnership sa pagitan ng MedEthix, isang pharmaceutical importer and distributor, at JackPharma, isang pharmaceutical distribution company.


Na-import ang Molnupiravir sa bansa sa pamamagitan ng compassionate use permits (CSP) na ipinagkaloob sa at least 31 hospitals.


Ang tableta ay investigational drug na ginagamit para sa paggamot sa COVID-19.


Ang shipment ay supplied ng Aurobindo Pharma, isang Indian pharma manufacturer na lisensiyado ng Merck & Company upang makapag-supply ng naturang gamot sa low and middle income countries.


Ang Pilipinas ang unang bansa sa Southeast Asia na nakatanggap ng supply ng molnupiravir.


Ang gamot ay hindi pa available sa komersyo, ngunit ang Merck, ang American firm na bumuo nito ay naghain na ng emergency use authorization (EUA) sa bansa noong nakaraang linggo.


Ang nasabing gamot ay nagkakahalaga sa P100 hanggang P150 pesos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page