Umawat sa away, sinaksak
- BULGAR
- Jun 14, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 14, 2023
PALAWAN -- Isang lalaki na umawat sa away ang sugatan nang saksakin ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Panacan 1, Narra sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng isang tama ng saksak sa katawan na si Jayjay Villanueva, 37, habang ang suspek ay si Ronnie de Luna, 39, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakaaway umano ni De Luna ang isang kamag-anak nito at nang pumagitna para umawat ang biktima ay napagbalingang saksakin ng suspek.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at kasalukuyan itong inoobserbahan sa ospital.
Nadakip din ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya ang suspek na sinampahan na ng kasong frustrated murder.



Comments