Umawat sa away, sinaksak
@Balitang Probinsiya | Enero 27, 2023
PALAWAN — Isang binata na umawat sa away ang sugatan nang saksakin ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Narra sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang nagtamo ng isang tama ng saksak sa kanang braso na si Dixon Ventura, 24, samantalang ang suspek ay si Clint Barrera, 22, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nag-away sina Barrera at Reynaldo Cayabo kaya ang ginawa ni Ventura ay pumagitna para umawat at ang pag-awat ay hindi nagustuhan ng suspek kaya sinaksak nito ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at kasalukuyan pa itong inoobserbahan.
Nakapiit na si Barrera na nahaharap sa kasong Attempted homicide at illegal possession of deadly weapon.



Comments