top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Umawat sa away, nataga sa ulo

BULGAR
Jan 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 5, 2023


AKLAN—Isang 25-anyos na binata ang nataga sa ulo nang umawat sa away ng dalawang grupo ng kalalakihan kamakalawa sa Bgy. Lawaan, New Washington.


Ang biktimang nagtamo ng taga sa ulo ay nakilalang si Reymark Navas, samantalang hindi muna pinangalanan ang suspek hangga't hindi ito nadarakip ng mga awtoridad.


Ayon sa pulisya, nagkaroon ng rambulan ang dalawang grupo ng kalalakihan sa nasabing barangay, at ang ginawa ni Navas ay pumagitna para umawat pero siya ang nataga ng suspek sa ulo.


Sa pag-aakalang napatay niya si Navas ay mabilis na tumakas ang suspek.


Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa ito sa ospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page