top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Umawat sa away, bayaw pinatay

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 10, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 10, 2023


ZAMBOANGA DEL SUR -- Isang 29-anyos na binata na umawat sa away ang pinagbabaril at napatay ng kanyang bayaw kamakalawa sa Bgy. Dalaon, Molave sa lalawigang ito.


Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si John Lester Bermejo, samantalang ang suspek ay ang bayaw nito na si Welmer Apiag, 32, at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo si Apiag at ang misis nito na kapatid naman ni Bermejo at dahil dito ay inawat ng biktima ang suspek.


Hindi nagustuhan ni Apiag ang pag-awat sa kanya ng bayaw kaya kinuha nito ang kanyang baril at pinagbabaril ang biktima hanggang mapatay.


Kusang sumuko sa pulisya ang suspek matapos mapatay ang kanyang bayaw, habang sinampahan na ng kasong murder at illegal possession of firearms and ammunitions si Apiag.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page