Ulo ng kelot pinukpok ng martilyo
@Balitang Probinsiya | Pebrero 12, 2023
PALAWAN – Isang 34-anyos na lalaki ang nasa kritikal na kondisyon nang pukpukin ng martilyo sa ulo ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Bagong Bayan, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng malaking sugat sa ulo ay kinilalang si Mark Macasibang, samantalang ang suspek ay si Wilmer Dumao, nasa hustong gulang at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman sina Macasibang at Dumao, kasama ang ilan nilang kaibigan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na humantong para kumuha ng martilyo ang suspek at ipinalo ito sa ulo ng biktima.
Nabatid na nagtangkang tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.
Ginagamot na ngayon sa ospital si Macasibang, samantalang nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.



Comments