Tuwang-tuwa na umiiyak ang mga artista ng Dos na nawalan ng kayod...
- BULGAR

- Jul 13, 2020
- 1 min read
ISABEL KAY VIVIAN: SEXY KA LANG, WALA KANG UTAK!
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 13, 2020

Hindi mapigilan ng Kapuso actress at isa sa cast ng Bilangin ang Bituin na si Isabel Rivas ang mag-react at manggigil sa galit sa dating sexy star na si Vivian Velez.
Nag-post kasi si VV sa social media na pinuri-puri ang mga congressmen dahil sa magandang resulta sa hearing ng franchise renewal ng ABS-CBN noong Biyernes (July 10).
Para kay Isabel, adding insult to injury ang ginawang ito ni Vivian. Maraming umiiyak na artistang nakatrabaho niya noon sa ABS-CBN. Wala man lang daw empathy o awa si VV sa mga kasamahang nawalan ng trabaho. Nagsasaya siya sa gitna ng pagdurusa ng marami.
Nakapagtrabaho rin naman noon si VV sa ABS-CBN. Sinabi pa ni Isabel Rivas na 45 yrs. na niyang kilala si VV at marami na itong inaping tao. In fact, isa si Isabel sa mga nakaranas ng pang-aapi noon ni VV.
Well, let's see kung sasagot si Vivian Velez at kung hanggang saan aabot ang isyung ito. Tiyak na papalag si Vivian sa sinabi ni Isabel na sexy lang siya pero… no brains!





Comments