top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tupadahan ni-raid, mga sabungero nakapuga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 20, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | December 20, 2020



NORTH COTABATO—Sinalakay ng pulisya ang tupadahan, pero nakatakas ang mga sabungero kamakalawa sa bayan ng Mlang.


Ang sinalakay na tupafahan ay nasa Bgy. Dalipe sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may kalalakihan nagsusugal sa tupada sa nasabing barangay kaya agad nagsagawa ng pagsalakay ang mga awtoridad, pero mabilis na nakatakas ang mga sabungero.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga manok na panabong at mga tari sa lugar na pinagdausan ng tupada.


Pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek para sampahan ng kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page