top of page
Pokwang.jpg

Tumutoma, todas sa armado

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 25, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 25, 2020



NUEVA ECIJA—Isang lalaking nakikipag-inuman sa kanyang pinsan ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Mapalad, Sta. Rosa.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Ammar de Leon, residente sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, nakikipag-inuman si De Leon sa kanyang pinsan sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tuimakas ang suspek lulan ng motorsiklo.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page