Tumangging magpahiram ng motorsiklo, sinaksak
- BULGAR
- Dec 28, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 28, 2021
AKLAN—Sugatan ang isang lalaki na hindi nagpahiram ng motorsiklo nang saksakin ng kanyang kaibigan kamakalawa sa Bgy. Camanci Norte, Numancia.
Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng saksak sa katawan na si John Eman Majabague, 23-anyos, samantalang ang suspek ay si Jasper Teodosio, 19-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, hinihiram umano ni Teodosio ang motorsiklo ni Majabague, pero hindi pinahirap ng biktima kaya nagalit ang suspek at sinaksak ang kanyang kanyang kaibigan.
Nabatid na matapos ang pananaksak ay nagtangkang tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng pulisya.
Dinala naman agad ng mga residente ang biktima sa ospital at kasalukuyan na itong ginagamot.



Comments