top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tulak, todas sa pulis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 3, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 3, 2023


CAMARINES SUR – Isang notoryus na drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Concepcion Pequena, Naga City sa lalawigang ito.


Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Angelo Fernandez, nasa hustong gulang at residente ng naturang barangay.


Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing barangay at nang akmang dadakpin si Fernandez ay biglang pinagbabaril ng suspek ang mga operatiba.


Dahil dito, mabilis na gumanti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang suspek.


Nakarekober ang mga awtoridad ng baril, mga bala at 6 sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page