top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tulak, tiklo sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 24, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 24, 2023


ILOILO — Isang drug surrenderee ang nadakip sa drug-bust operation ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. P. Ledesma Ward, Pototan sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Robert Decara, 38-anyos, at nakatira sa nasabing barangay.


Nabatid na noong kainitan ng Oplan Tokhang ay tumigil sa pagbebenta ng droga si Decara at sumuko sa pulisya, pero nagbalik sa pagiging drug pusher.


Dahil dito, nagsagawa ng drug-bust operation ang pulisya sa nasabing lugar at nang pagbentahan sila ng shabu ni Decara ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga tauhan ng pulisya ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page