Tulak ng shabu at marijuana, arestado
- BULGAR
- May 13, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 13, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang drug pusher ng shabu at marijuana ang nadakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Hawaiian, Silay City sa lalawigang ito.
Ang nadakip na suspek ay nakilalang si Leo Capablanca, 52, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na nadakip ang suspek sa buy-bust operation sa nasabing lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng pitong gramo ng shabu, dalawang kilo ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments