Wanted na rapist sa iloilo, natiklo sa bulacan
@Balitang Probinsiya | May 13, 2023
BULACAN—Isang most wanted na rapist sa Iloilo ang nadakip ng mga awtoridad, kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Minuyan, San Jose del Monte City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Kevin John Asis, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Iloilo.
Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang ito natiyempuhang dakpin.
Kusang sumama ang suspek sa pulisya nang dakpin siya sa nasabing barangay.



Comments