top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tulak ng marijuana, nasakote sa buy-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 10, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 10, 2021



Camarines Sur—Isang drug pusher ng marijuana ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Villa Grande Homes, Naga City.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Brian de Luna, nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng marijuana ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng illegal drugs ni De Luna ay agad inaresto ng pulisya ang suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang kilo ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na si De Luna na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page