Tulak ng marijuana, nasakote
- BULGAR
- May 21, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 21, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang drug pusher ng marijuana ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bacolod City sa lalawigang ito.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Nabatid na nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 198 gramo ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments