top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tulak ng marijuana nasakote

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 8, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | March 8, 2023



QUEZON--Isang binata na drug pusher ng marjuana ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Lumingon, Tiaong sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala na si Charles Limbo, 22, at residente sa nasabing lalawigan.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad na nagbebenta ng marijuana si Limbo kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan kaya nadakip ang suspek.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 519 gramo ng marijuana at marked money sa pag-iingat ng suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin sila ng mga operatiba at sa ngayon ay nahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page