Tulak ng marijuana, huli sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | February 27, 2021
PAMPANGA—Isang drug pusher ng marijuana ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Claro M. Recto, Angeles City.
Itinago ng pulisya sa pangalang “Vlad” habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation sa naturang lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 4.5 kilo ng marijuana sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments