top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Tulak ng marijuana, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 5, 2023



SORSOGON—Isang binata na drug pusher ng marjuana ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa bayan ng Gubat sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito sa himpilan ng pulisya.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad na nagbebenta

ng marijuana ang suspek kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan kaya nadakip ang drug pusher sa naturang lugar.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng walong gramo ng marijuana at marked money sa pag-iingat ng suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba at sa ngayon ay nahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page