top of page
Search
  • BULGAR

Tulak ng damo, tiklo sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | January 20, 2021



CAGAYAN—Isang drug pusher ng marijuana ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Minanga, Aparri.


Nakilala ang suspek na si Kennedy Ligpit, nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng marijuana ang ilang operatiba at nang ilabas ni Ligpit ang dala niyang illegal drugs ay dito na inaresto ng pulisya ang suspek.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na si Ligpit na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page