Tulak na NPA, timbog sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | December 2, 2020
ZAMBOANGA DEL SUR—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Bigong, Tigbao.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Marlon Narciso, alyas Ka Arman, miyembro ng NPA na nag-o-operate sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu ang suspek kaya nagsagawa ng buy-bust operation dahilan upang madakip ito sa nasabing barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang gramo ng shabu, markadong pera, baril at bala sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Martinez na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments